^

PSN Opinyon

Ganti ni Digz fake news?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

NAKAIIRITA na ang mga nangyayari. Porke sinisisi si Presidente Bongbong Marcos sa biyahe ni dating Presidente Duterte sa ICC detention sa The Netherlands—fake news na naninira sa asawa ng Presidenteng si Liza ang iginanti!

Na ang First Lady raw ay pinigil ng FBI sa Los Angeles, California dahil sa pagkamatay sa “drug overdose ng kasama niyang si Paulo Tantoco. Halatang-halata namang walang katotohanan ito. Kasi nakabalik na ng bansa si Mrs. Marcos nang mag-viral ang pekeng balita. Pinalilitaw ng fake news na kasama si First Lady sa coke session na ikinamatay ni Tantoco na isang kilalang negosyante.

Nakadidismaya dahil ginagawa nilang bobong katulad nila ang mga tao.

Ang pag-aresto kay Duterte ng Interpol para sa International Criminal Court ay lehitimo dahil sa kasong crimes against humanity laban sa dating Presidente. Kung nagkamali man ang Marcos administration sa pagsusuko sa Interpol kay Duterte, out of the question iyan na puwedeng kuwestiyunin sa Mataas na Hukuman. Walang katinuan na gantihan ang pag-aresto kay Digong ng fake news.

At ang totoo, hindi sila nagtagumpay sa petisyon nilang TRO sa Korte Suprema. Kaya hayun at nakakalaboso na si Duterte sa The Hague at uusad na ang paglilitis. Maski paano, kung may pusong Kristiyano ka ay mahahabag ka rin dahil matanda na si Duterte at baka hindi na ­makayanan ng kalusugan niya ang stress dulot ng kasong dapat niyang panagutan.

Ipanalangin natin siya.

FBI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with