Rebelde todas sa Mindoro encounter
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Patay ang isang rebeldeng komunista kasunod ng engkwentro sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Communist rebels Group sa Mansalay, Oriental Mindoro, nitong Biyernes ng hapon.
Nagsasagawa ng security operations ang mga sundalo mula sa 203rd Infantry Brigade, tropa ng 4th Infantry Battalion nang makatanggap sila ng impormasyon mula sa mga residente ng extortion activities sa Sitio Cabuyao sa Barangay Panaytayan.
Bunga nito, agad naman sumugod ang militar sa barangay upang suriin ang katotohanan ng mga ulat, gayunpaman, nang sila ay patungong nag-krus ang landas ng isang armadong grupo ng hindi matukoy na bilang, na nagdulot ng 15 minutong bakbakan bago tumakas ang mga rebelde.
Walang naiulat na nasugatan o nasawi sa panig ng militar habang isang rebeldeng NPA ang naiulat na nasawi.
Nasamsam sa engkuwentro ang M16 rifle at iba pang gamit ng NPA.
Hinimok ng opisyal ng militar ang mga natitirang rebelde na talikuran ang armadong pakikibaka at yakapin ang kapayapaan sa pamamagitan ng paggamit ng mga programa sa reintegration ng gobyerno para sa mapayapang kinabukasan kasama ang kanilang mga pamilya.
- Latest