^

PSN Opinyon

Online gambling ni Boss JT sa Ilocos Norte, talamak na!

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

NAG-UMPISA ang online gaming operation ni Boss JT sa Ilocos Norte at iba pang lugar noong 2020. Nag-lie low siya pansamantala nang ipatigil ang Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) noong Disyembre 31, 2024.

Sabi ng PAGCOR mula nang ibawal ang POGO, nagsulputan naman ang Philippine Inland Gaming Operations (PIGO) at dito nga nagsimulang mamayagpag si Boss JT.

At pinababayaan na siya ng mga awtoridad. Walang sumasawata sa online gaming operation ni Boss JT.

Dahil sa pagpapabaya ng mga otoridad sa illegal online gaming ni Boss JT, limpak-limpak ang kinikita niya kaya dumami na raw ang mga ari-arian nito—bahay, sasakyan at mayroon pa raw mga baril?

Nakakatulong naman daw sa empleyo si Boss JT dahil marami itong loaders o yung tagakubra at taga-intrega ng taya via Gcash na pinasasahod niya ng P5,000 hanggang P6,000 linggu-linggo.

Pero sa kabila nito, hindi siya nagbabayad ng tax sa pamahalaan mula pa nang mag-umpisa ang kanyang illegal gaming operation. Milyong piso na ang nadadaya niya sa kaban ng bansa dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.

Maraming inilulugmok sa kapariwaraan ang online gam­bling operation ni Boss JT. Kabilang dito ang mga kaba­taan na nagiging adik sa online gaming.

Kumilos sana ang mga awtoridad at panagutin si Boss JT sa kanyang iligal na gawain.

* * *

Para sa reaksiyon o komento, i-send sa: art.dumlao@gmail.com

POGO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->