^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Marami pang kasama si May Grace Piattos

Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
EDITORYAL � Marami pang kasama si May Grace Piattos

MARAMI pa palang kasama sina Mary Grace Piattos­, Kokoy Villamin, Fernando Tempura, Carlos Miguel Oishi, Reymunda Jane Nova, Chippy McDonald, Pia Piatos-Lim, Renan Piatos at Xiaome Ocho. Lumutang pa ang mga pangalan nina Jay Kamote, Miggy Mango, Dodong Alcala, Dodong Bina, Dodong Bunal, Dodong Darong, at Dodong S. Barok.

Ang mga bagong pangalan ay nadiskubre ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V. Sabi ni Ortega noong Sabado, ang pagkakadiskubre sa mga bagong kahina-hinalang pangalan ay lalong nagpalakas sa ale­gasyon na talagang may hindi tamang paggamit sa P612.5 milyong confidential funds ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay Ortega, ang pangalang “Jay Kamote” ay katunog ng pangalan ng root crop samantalang ang “Miggy Mango” ay kahawig ng prutas. Na­dagdag pa umano ang “Dodong Gang”.

Tinapos ng House committee on good government and public accountability noong Disyembre 2024, ang pag-iimbestiga sa hindi maipaliwanag na paggastos ng pondo ng Office of the Vice President (OVP), Department of Education (DepEd) at confidential funds.

Nakagugulat na mayroon pa palang mga pangalan na lulutang at pawang mga “kathang-isip” din. Lumalabas na marami talagang huwad na pangalan na ginamit na recipient. Sa pagdinig ng House, maraming katanu­ngan ang hindi nasagot partikular ang P125 million confidential funds na ginastos noong 2022 sa loob lamang ng 11 araw. Nakapagtataka kung bakit tinapos agad ang pag-iimbestiga gayung may pangalan pa palang lulutang.

Noong Disyembre 2024, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA), 400 pangalan na nakapirma sa acknowledgment receipts ay wala sa kanilang data base.

Ayon sa PSA, hindi nag-e-exist ang mga panga­lang Mary Grace Piattos at Kokoy Villamin. Wala itong record para sa individual’s birth, marriage at death record. Isinumite ng PSA ang kanilang findings sa House committee on good government and public accounta­bility na nag-iimbestiga sa hindi maipaliwanag na pag­gastos ng pondo ng OVP at confidential fund.

Si Mary Grace Piattos at Kokoy Villamin ay kabilang sa mga signatories ng 158 acknowledgment receipts na naka-attached sa liquidation reports na isinumite ng OVP sa Commission on Audit (COA). Nang tanu­ngin ang mga inimbitahang tauhan at opisyal ng OVP, wala silang maalalang Mary Grace Piattos.

Marami pang pangalan ang lumutang na pawang nasa acknowledgement receipts. Ang tanong ay hang­gang dito na lang ba ang pag-iimbestiga? Mahahalungkat pa ba kung sino ang nasa likod ng mga inimbentong pangalan? Pera ng taumbayan ang nilustay dito kaya hindi dapat tumigil sa pag-iimbestiga.

LAW

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with