^

Bansa

Duterte dadalo sa drug war probe ng Senado — Bato

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Imbitado sa pagdinig sa Lunes, Oktubre. 28 sina dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang isa sa mga resource person at retired Police Colonel Royina Garma.

Si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, ang mangu­nguna sa pagdinig ng Se­nate blue ribbon subcommittee na nakatakda sa alas-10 ng umaga.

Kinumpirma ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa kay Pimentel na nakahandang dumalo sa pagdinig si Duterte.

“Sinabi sa akin [Duterte] ay handang dumalo, kaya’t isama natin siya,” sabi ni Pimentel sa isang panayam nitong Martes, na binanggit ang kanyang pakikipag-usap kay Dela Rosa, dating chief PNP ni Duterte.

“So I was the one who said that if he’s willing to attend, then I’ll invite him,” dagdag ni Pimentel.

Bagama’t isasama si Duterte sa listahan ng mga inimbitahang resource persons, nasa kanya pa rin kung tatanggapin o hindi ang imbitasyon ng panel, ani Pimentel.

“Magpakita man siya o hindi, huwag mo akong sisihin. I can’t control that,” dagdag ni Pimentel

Matatandaan na si Garma ang nagkumpirma sa imbestigasyon ng House quad committee tungkol sa reward system sa mga makakapatay ng drug lord o drug addict.

Bukod kay Duterte at Garma, iimbitahan din sa pagdinig  sina dating Sen. Leila de Lima, resigned National Police Commission chief Edilberto Leonardo, self-confessed drug lord Kerwin Espinosa, at mga pamilya ng mga biktima ng mga pagpatay sa madugong giyera sa droga.

DRUG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with