^

Bansa

Salceda, hinimok Senado na ipasa ‘seniors’ universal pension’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni House Ways and Means Committee chairman, Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang Senado, na ipasa ang Universal Social Pension for Senior Citizens Act (House Bill 10423) kasabay ng pangakong tutulong siya sa paghanap ng pondo para rito.

Layunin ng panukala na mabigyan ng tig-P1,000 kada buwan ang lahat ng mga Filipino senior citizens. Ayon kay Salceda na tagapamuno rin ng House Joint Committee on Senior Citizens (SC) and Persons with Disability (PWD) Benefits, nakausap niya si Sen. Imee Marcos, chairwoman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development tungkol sa naturang panukalang batas.

"Nakausap ko si Sen. Imee Marcos nang dumalaw siya sa Albay. “Tiniyak ko rin sa kanya na kayang sustinahan ang pensiyon ng mga ‘seniors’ at ako ang hahanap ng panggagalingan ng pondo nito. Kaya pa itong ipasa ng Senado sa kasalukuyang sesyon ng lehislatura. Nangako siyang pag-aaralan niyang mabuti ito,” sabi ni Salceda.

Batay sa mga datos, tinantiya ni Salceda na kakailanganin ng programang pensiyon ang P28.8 bilyon sa unang taon para sa 2.4 milyong bagong pensiyonado; P43.7 bilyon sa ikalawang taon para sa 3.64 milyong karagdagang benepisyaryo; at P68.9 bilyon sa ikatlong taon para sa 5.74 milyon pang madadagdag na pensiyonado. "Ipinanukala ko kay Sen. Marcos ang mga sunusunod na paraan upang makaya ang programa: Sa unang taon, gagawing ‘universal’ ang benepisya para sa lahat ng mga 70 anyos at higit pa. Sa ikalawang taon, ‘universal’ na rin sa mga 65 anyos, at sa ikatlong taon, mga 60 anyos naman ang bibigyan ng benepisyo.

Mananatili ang benepisyo ng mga pensiyonado taon-taon,” dagdag niya. Noomg 2024, nasa 16.39 milyon ang senior population ng bansa at 3.7 milyon sa kanila ang tumatanggap na ng ‘social pension.’ Ayon pa kay Salceda, mapopondohan ang pension program sa pamamagitan ng pagbawas ng 10% sa ‘ayuda’ budget at pagdagdag sa buwis ng mga ‘pickup trucks, vape products, and mining operations.’ Ikinatwiran ni Salceda na hindi limos ng pamahalaan ang ‘social pension’ kundi isang benepisyong sadyang kanila mula sa naipon nilang kontribusyon sa ekonomiya ng bansa noong panahon ng kanilang kalakasan.

HOUSE WAYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with