Hustisya sigaw ng drug war victims
MANILA, Philippines — Hinihimok ng mga biktima ng war on drugs ang administrasyong Marcos na suriin ang mga kaso ng mga indibidwal na maaaring napagbintangan at nakulong ng walang sala ng nakaraang administrasyon.
Isa rito si Carmela Cabrebra Arban, isang ina at iginagalang na miyembro ng komunidad, na pitong taon nang nakakulong sa krimeng hindi umano niya ginawa. Sa kabila ng kawalan ng ebidensyang nag-uugnay sa kanya sa ilegal na droga, inaresto siya dahil lamang sa kanyang presensya sa pinangyarihan ng operasyon.
Pinangunahan ni Bgy. Pag-Asa Chairperson Miriam Gatulayao ang pagtutol sa kanyang pag-aresto at pinatunayan ang kanyang pagiging inosente, ngunit hindi umano ito pinakinggan.
Inilarawan nila ito bilang isang malinaw na halimbawa ng kawalang-katarungan na dinanas ng mga collateral victims ng drug war.
Pinatotohanan ng mga petisyoner ang integridad ni Arban bilang isang matalino, mabait, at marangal na tao. Iginiit nilang ang kanyang maling paghatol ay bahagi ng mas malawak na sistematikong kabiguan ng drug war, kung saan hindi iginalang ang due process at libu-libong inosenteng indibidwal ang napagbintangan at ikinulong nang walang sapat na ebidensya.
- Latest