^

Bansa

‘Team China’ senatoriables ‘wag iboto - solon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni House Assistant Majority Lea­der at AKO Bicol Party­list Rep. Jil Bongal­on ang mga botante na huwag iboto ang mga kandidato partikular na ang mga senatoriables na pro-China at higit na piliing ihalal ang Team Pilipinas o ang senatorial ticket ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ng administrasyon.

Ayon kay Rep. Bongalon,­ ang papara­ting na May 2025 midterm polls ay hindi ordinar­yong halalan manapa’y isa itong laban para sa kinabukasan ng bansa.

“We can either elect leaders who will defend our sovereignty and push for real reforms, or we let pro-China politicians regain power and sell our nation’s interests once again,” anang solon.

Ang Team Pilipinas ay binubuo ng mga kandidato ng administrasyon mula sa Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), National Unity Party (NUP) at Partido Federal ng Pilipinas (PFP), na ayon sa mambabatas ay mga senatoriables na committed para idepensa ang karapatan ng Pilipinas sa soberenya, maisaayos ang pamumuhay ng mga Pilipino at isulong ang progreso ng bansa.

Samantala ang mga kandidato umanong pro-China ay may mahabang track record ng pagpapabida at pagki­ling sa China at walang pakialam sa dinaranas ng mga mangingisdang Pinoy na binu-bully, hina-harass tulad ng pambobomba ng water cannon at ipinagtatabuyan ng China Coast Guard (CCG) sa mismong teritoryo ng karagatan ng bansa.

“These pro-China politicians let Beijing trample on our rights in the West Philippine Sea. They made excuses for Chinese aggression and questioned our own legal victory in The Hague. Why should we allow them back into power?” anang solon.

“They talk about patriotism, but their actions show otherwise. They welcomed China’s interference, they pushed for lopsided projects, and they even threatened our institutions when it suited them,” punto nito.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with