Suporta sa mga Duterte wala na - Gadon
MANILA, Philippines — Inihayag ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon nitong Sabado na wala nang nakukuha pang suporta ang PDP-Laban na pinamumunuan nina dating pangulong Rodrigo Duterte at anak nitong si Vice President Sara Duterte, pati na ang mga kandidato nito sa pagka-senador.
Ayon kay Gadon, patunay dito ang umano’y ‘nilangaw’ na proclamation rally ng PDP sa Club Filipino sa San Juan noong Huwebes.
Hindi rin aniya kayang kumpletuhin ng PDP ang kanilang line-up.
“At bakit doon ginawa? Ano ‘yan? Rotary Club, Kiwanis, Lions Club, PTA (parents, teachers, association). Dapat ‘yan sa malaking venue like Luneta Grandstand with thousands attending,” ani Gadon.
Dagdag pa niya, nagdesisyon ang PDP na doon gawin ang kanilang proclamation rally, dahil hindi na ito makahatak ng mga taong susuporta sa kanila.
Ininsulto rin ng opisyal and dating pangulong Duterte na walang ibang ginagamit na ‘political strategy’ kung di siraan si Pangulong Bongbong Marcos at tawagin itong ‘drug user.’
- Latest