El Niño paghandaan- PNoy
MANILA, Philippines – Inatasan ni Pangulong Aquino ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na paghandaan ang magiging epekto ng El Niño sa susunod na taon.
Pinulong kahapon ni Pangulong Aquino sa Malacañang ang mga ahensiya ng gobyerno upang ilatag ang mga hakbang kaugnay sa matinding epekto ng El Niño sa 1st quarter ng 2016 batay sa pag-aaral ng Department of Science and Technology (DOST).
Sinabi ni PNoy sa Department of Agriculture (DA) na dapat siguruhing mayroong sapat na buffer stock ng bigas dahil sa inaasahang matinding epekto ng tag-init na makakaapekto rin sa produksyon ng agricultural sector sa 2016.
Iniutos ni Pangulo ang maagang pag-angkat ng bigas upang matiyak na hindi magkakaroon ng shortage sa susunod na taon dahil sa epekto ng El Niño.
Iniulat ng DOST na mas kaunti ang inaasahang pag-ulan sa 1st quarter ng 2016 at mas matinding init ang mararanasan ng bansa sanhi ng El Niño kaya dapat paghandaan ito.
Inalerto rin ng Malacañang ang Department of Health (DOH) upang maghanda at makipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensiya bilang paghahanda sa matinding tag-init.
- Latest