Guidelines ng PCO para sa mga mamamahayag na magko-cover sa Malacañang rerepasuhin
MANILA, Philippines — Kumambyo ang Presidential Communications Office (PCO) kaugnay sa inilabas na accreditation guidelines para sa mga mamamahayag na magko-cover sa Malakanyang.
Base sa inilabas na “New Guidelines for Media Accreditation in Malacañang” na may lagda ni PCO Assistant Secretary Dale de Vera, nakasaad na kabilang sa requirements para maaprubahan ang accreditation ay dapat naka-limang taon na ang reporter sa political beat.
Bukod dito, ang media entity ay may isang taon na ang existence at dapat na araw-araw na nagko-cover sa press briefing, presidential events at iba pang aktibidad ng Pangulo ang isang mamamahayag.
Hinihingan din ng PCO ang mga media entity ng mga dokumento tulad ng kopya ng business permits at registration sa Securities and Exchange Commission o SEC.
Simula ngayong araw hanggang sa Mayo 2 ang pagsusumite ng mga itinakdang dokumento.
- Latest