^

Bansa

Sandy Cay sa Pinas pa rin! - Philippine Navy

Joy Cantos, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinabulaanan kahapon ng Pilipinas ang ulat ng Chinese state media na nagsasabing kontrolado na ng China ang Sandy Cay na bahagi na ng kanilang teritoryo na tinawag nitong Tiexian Reef sa South China Sea (West Philippine Sea).

Ang Sandy Cay ay isang maliit na sandbank, malapit sa Pag-asa Island (Thitu Island) sa WPS, na inookupa ng Pilipinas.

Sinabi ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na kasinungalingan lamang ang naturang ulat at tiniyak na nananatiling kontrolado ng Pilipinas ang naturang sandbar.

“We have not lost the Pag-asa Cays,” ani Malaya. 

“There is no truth whatsoever to the claim of the Chinese Coast Guard that the Pag-asa Cay has been seized. The facts on the ground do not support the statement coming from the China Coast Guard,” aniya pa.

Sa ulat ng Chinese state media noong Sabado, sinabi nito na nakapagpatupad ang Chinese Coast Guard (CCG) ng maritime control sa Sandy Cay noong kalagitnaan ng Abril.

Noong Linggo, sinabi naman ni CCG spokesperson Liu Dejun, na naayos na nila ang sitwasyong kinasasangkutan ng anim na Pinoy na inakusahan nitong ilegal na nagtungo sa sandbank sa kabila ng kanilang babala dito.

Kaagad din namang nagdeploy ang Pilipinas ng apat na grupo mula sa Inter-Agency Maritime Operation upang beripikahin ang pahayag ng China at wala umano silang nakitang puwersa ng China sa Sandy Cay.

“Chineck natin kasama ang Coast Guard, ang Navy, ang AFP, ang BFAR, and other agencies. Walang nakita doon and we were able to debunk,” wika ni Phl Navy spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad.

Ayon kay Trinidad, nais lamang ng China na iligaw ang atensiyon ng publiko sa gitna na rin ng mga alegasyon ng espiya ng China na naglipana sa bansa at maging sa pag-hire ng Chinese Embassy sa Manila ng troll farm simula pa noong 2023.

Gayunman, ayon kay PCG Spokesperson Commodore Jay Tarriela, may namonitor silang apat na barko ng CCG at 19 militia vessels na nag-iikot sa lugar.

PHILIPPINE NAVY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with