^

PSN Showbiz

Bimby, hindi man lang naalala ni James?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bimby, hindi man lang naalala ni James?!
James Yap at Bimby Aquino

Nakakatuwa naman na ipagpapatuloy ni Bimby Aquino ang kanyang pag-aaral.

May nagpadala nga sa akin ng interview ni Ogie Diaz kay Kris Aquino at sinabi niya na ang pangarap talaga ng anak niyang katatapos lang mag-18 years old na makatapos ng pag-aaral sa kalehiyo.

At gusto raw ni Kris na sa abroad mag-aral ang anak, tulad ng Singapore o Japan.

Gusto rin daw niyang maging pulitiko ang anak.

Na tiyak na tutuparin ‘yun ni Bimby.

Ang suwerte ni Bimby at suwerte rin naman si Kris kay Bimby.

Imagine sa kanyang edad ngayon talagang tinututukan niya ang pag-aalaga sa inang may sakit.

Pero ang talagang wondering ako ay ba’t hindi man lang siya dinadalaw ng amang si James Yap?

Usung-uso naman ang cell phone at pwede siyang tumawag anytime. Hindi ba kayang gawin ni James ‘yun?

Kakaloka.

Ano bang problema nila ni Bimby? O nina Kris at James? Hindi ba pwedeng isantabi na ‘yun dahil sa kalagayan ni Kris?

Sa totoo lang, ipagdarasal ko na sana makapag-aral si Bimby sa ibang bansa at matupad ang wish ni Kris na maging pulitiko siya. Nasa dugo niya ang pulitika kaya mas bongga kung makakatapos siya sa abogasya bago magpulitika.

Gow, Bimby, andito lagi ang iyong Lola Lolit.

Donny, parang ang bango-bango sa PBB

Parang ang cute-cute ni Donny Pangi­linan sa PBB.

Lalo na dun sa video na bagong gising siya. Parang ang bango-bango niya.

Hahahaha. As a lola lang noh. Parang naisip ko na sana ‘yung nag-iisa kong apo may interes din sa showbiz dahil kung nagkataon, gagawan ko talaga siya ng launching movie agad-agad.

Kaso wa talaga sa isip ni Kinsey na mag-showbiz. Mas gusto niyang mag-aral at magtrabaho ng part time sa Amerika kesa mag-showbiz.

Well, kung sabagay kanya-kanyang pangarap naman ‘yan kaya tanggap ko na hindi interesado ang aking apo sa pag-aartista.

Hahaha.

Basta ang cute ni Donny, bet kong makilala.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with