^

PSN Showbiz

Zsa Zsa Padilla tuloy ang pag-inom ng antibiotics kahit inayos na ang ureter

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Zsa Zsa Padilla tuloy ang pag-inom ng antibiotics kahit inayos na ang ureter
Zsa Zsa Padilla

Wala nang atrasan ang comeback concert ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla upang ipagdiwang kanyang 42nd anniversary sa entertainment industry.

Dalawang taong naudlot ang concert na ito. Supposedly ay 40th anniversary celebration ito ni Ms. Zsa Zsa na through  the years, maraming mga salita ang ginamit para tukuyin siya – iconic, brilliant,  fabulous – ngunit para sa mga nakakakilala sa kanya, siya ay isang inspirasyon at isang absolute survivor. 

Kailangan niya munang magpagaling sa kanyang medical condition na pinagdaanan since birth.

Ipinanganak siya na may mega ureter. Ang kaliwang ureter niya ay kasing laki ng sausage kung saan dapat ay manipis na tubular structure lang ito tho ang kanan nito ay normal.

Kaya naman sa loob ng maraming taon, nagkaroon siya ng walang katapusang pakikipaglaban sa UTI (urinary track infection) at naging routine na ang pag-inom ng oral antibiotic.

Noong 2007 unang nadiskubre ng mga doktor ang kanyang sakit.

Kaya kinailangan niyang dumaan sa dalawang operation dahil sa nasabing karamdaman.

Una siyang nagkaroon ng open surgery noong 2007 matapos niyang gawin ang pelikulang Zsa Zsa Zaturnah upang tuluyang itama ang kanyang kaliwang ureter.

Pero muli aniya siyang nagkaroon ng  impeks­yon na mas mahirap gamutin.

Umaasa siya sa mga antibiotic pero nakita na nagkakaroon na siya ng (pee) reflux at ang pag-andar ng kanyang kaliwang bato ay mas mababa kaysa sa karaniwan.

Past forward : Pumunta siya sa US noong Ene­ro 2024 ngunit pinayuhan na huwag operahan.

Kaya pagbalik niya ng bansa, may mga naririnig siyang mga nagpapagamot sa Singapore. Kaya’t nagtanung-tanong siya sa kanyang mga kaibigan  tulad ng bilyonaryong negosyante na si Alice Eduardo kung pwede siyang i-refer.

Aniya, binigyan siya ng office number na nakabase sa Manila. At naki­pag-coordinate sila sa mga doktor na makatutulong sa kanyang problema.

Naging madali ang lahat. Sumailalim siya sa robotic operation sa Singapore. At aniya ay wala siyang naramdamang sakit, hindi rin gaanong matagal ang kanyang recovery. Wala rin itong gaanong peklat.

Sa kasalukuyan ay umiinom pa rin siya ng antibiotics pero wala na siyang sakit na nararamdaman.

Anyhow, through ups and downs, standout si Zsa Zsa sa pagiging isang artist na patuloy na namamayagpag sa recording, film, television, at live concert stage.

 Kaya naman marami ang excited dahil babalik ulit si Zsa Zsa sa live stage – dazzling as ever – at gagawa siya ng gabing ‘di malilimutan sa kanyang upcoming concert na pinamagatang Zsa Zsa: Through the Years, sa May 17 sa Samsung Performing Arts Theater sa Ayala Malls Circuit Grounds, Makati.

 Pangako nito ang isang gabi ng “music, memories and heartfelt moments,” at ayon kay Zsa Zsa ang event na ito ay “not just a concert, but a celebration of an incredible journey, a tribute to all the wonderful mothers [as the event happens around the time of Mother’s Day] and a pre-birthday treat for all of us to enjoy.”

 Bilang isang multi-hyphenate, music ang first love niya at mapapakinggan sa concert ang kanyang hit songs.

Naging miyembro si Zsa Zsa ng legendary Pinoy group na Hotdog na itinuturing na isa sa mga haligi ng OPM.

 Nung nagsolo siya, naging sunud-sunod ang kanyang hits gaya ng Kahit Na, Point of No Return, Hiram, Ikaw Lamang, Mula sa Puso, at Mambobola. Chart-topping din ang covers niya gaya ng  We’re All Alone, Bridge Over Troubled Water, at Through the Years na lahat ay kakantahin niya sa comeback concert niya na may ibang arrangement na.

Isa rin siya sa mga best-selling female recording artists of all time at kitang-kita ito sa kanyang mga multi-platinum full-length studio albums.

 Bilang isang aktres, ilang beses niyang pinatunayan ang kanyang range sa mga nakalipas na dekada, sa kanyang mga papel sa mga genres ng fantasy, comedy, at drama sa kanyang filmography na kinabibilangan ng Ako Legal Wife: Mano Po 4, Batang PX, Minsan Lang Kita IIbigin, at Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh.

 Sa telebisyon naman, binigyang buhay niya ang ilan sa mga complex characters sa primetime television sa mga top-rating series gaya ng Budoy, Juan Dela Cruz, at Wildflower habang isa naman siya sa mga OPM icons na napapanood linggu-linggo sa long-running Sunday musical variety show ng ABS-CBN na ASAP Natin ‘To.

 Bukod pa siyempre sa happy ang lovelife niya sa piling ng sikat na architect, si Conrad Onglao.

Anyway, mapapanood sa Zsa Zsa: Through the Years na directed by Rowell Santiago kasama si Homer Flores bilang Musical Director – sina Zia Quizon, Karylle, Erik Santos, and Mr. Pure Energy Gary Valenciano na available na ang tickets online via TicketWorld.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with