^

Bansa

SWS: 75 porsyentong Pinoy iboboto kandidato na ilalaban West Philippine Sea

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
SWS: 75 porsyentong Pinoy iboboto kandidato na ilalaban West Philippine Sea
This handout photo taken on March 23, 2024 and released by the Philippine Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (PCG/BFAR) on March 25, 2024 shows an aerial view of BRP Datu Pagbuaya as it sails from the Philippine-held Thitu Island sheltered port, in the Spratly Islands, in the disputed South China Sea.
Photo by Handout / Philippine Coast Guard / AFP

MANILA, Philippines — Nasa 75% ng mga Pinoy ang nagsabing iboboto nila ang mga kandidato na naniniwalang dapat na igiit ng Pilipinas ang karapatan nito sa West Philippine Sea (WPS).

Sa April survey na idinaos ng Social Weather Stations (SWS) at kinomisyon ng Stratbase Group, nabatid na ang naturang bilang ay pagbaba ng tatlong puntos mula sa 78% na naitala sa survey na idinaos noong Pebrero.

Samantala, ang bilang naman ng mga Pinoy na taliwas dito ang iniisip ay tumaas ng tatlong porsiyento o mula 22% noong Pebrero, ay naging 25% ngayong Abril.

Karamihan sa mga Pinoy na nais iboto ang mga kandidato na hindi naniniwalang dapat igiit ng Pilipinas ang karapatan nito laban sa agresyon ng China ay mula sa Class E na nasa 41%, ABC na nasa 28%, at D na nasa 24%.

Nilahukan ito ng 1,800 respondents, na pawang kinapanayam, at idinaos mula Abril 11 hanggang 14, 2025.

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with