Jinggoy nais makapagpiyansa
MANILA, Philippines – Matapos sumuko, naghain ang kampo ni Senador Jinggoy Estrada ngayong Lunes ng petisyon sa Sandiganbayan upang makapagpiyansa sa kasong plunder na inihain ng Office of the Ombudsman.
Iginiit ng kampo ng senador sa kanilang 10-pahinang petisyon na mahina ang ebidensya laban kay Estrada.
Sinabi ng mga abogado ni Estrada na walang kinalaman ang kanilang kliyente sa mga pinaparatang sa kanya.
Kaugnay na balita: Jinggoy sumuko na!
Dagdag nila na Department of Budget and Management dapat ang sisihin dahil sila ang kagawaran na naglalabas ng pera para sa mga pekeng non-government organization ni Janet Lim-Napoles.
"Mga senador walang problema. Taga-turo, taga-endorso lang naman sila. Ang talagang nakakaalam d'yan yung Department of Budget and Management. Sila nakakaalam na fake ang mga NGOs na ka-transaksyon din nila," wika ng senador sa isang panayam sa radyo.
Sumuko kaninang umaga si Estrada sa Philippine National Police matapos ilabas ng anti-graft court ang arrest warrant laban sa Senador.
“Truth will set me free,†wika ni Estrada bago tumungo sa Camp Crame sa Quezon City.
Kaugnay na balita: Pag-aresto kay Jinggoy iniutos ng Sandiganbayan
Nauna nang nakulong ang kanyang kasamahang si Senador Bong Revilla Jr. nitong Biyernes.
Humirit din si Revilla na makapagpiyansa kahit non-bailable ang kanilang mga kinakaharap na kaso.
- Latest