^

Bansa

VP Sara, duda sa resulta ng May 2025 senatorial race

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagdududa si Vice President Sara Duterte sa naging resulta ng katatapos na 2025 senatorial race sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Kuala Kumpur, Malaysia, nagpahayag ng paniniwala si VP Sara na dapat na nakakuha ng puwesto sa Senado ang iba pang kandidato sa kanilang senatorial slates, gaya nina Jayvee Villanueva Hinlo, Jr., Jimmy Bondoc, at Richard Mata.

“Tapos na naman ang kampanya, totoo yun, pero bakit nandito si Atty. Hinlo, Atty. Bondoc, Atty. Mata? Kasi po para sa akin at alam kong totoo, nanalo po sila sa eleksyon noong nakaraan,” aniya pa.

Sinabi rin ng bise presidente na kumonsulta na siya sa mga eksperto sa information technology at maging ang mga ito ay duda rin sa resulta ng eleksiyon.

Kaugnay nito, hinikayat din ni VP Sara ang PDP Laban na kuwestiyunin kung paano isinagawa ang eleksiyon, partikular ang proseso ng bilangan.

Dagdag pa niya, ibinase niya ang kanyang obserbasyon sa 2022 elections.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with