3 OFW naipit sa riot sa Northern Ireland, sasaklolohan - DMW
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na tinutulungan na nila ang tatlong OFW na nanganganib dahil sa nagaganap na riot sa Northern Ireland.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, hindi naman nasaktan ang mga OFWs ngunit ang kanilang komunidad ay posibleng nasa panganib dahil sa naturang kaguluhan.
Aniya pa, gumagawa na ng mga kaukulang hakbang ang DMW upang matiyak ang kaligtasan ng mga naturang OFWs.
Nauna rito, napaulat na ilang pamilyang Pinoy ang tumakas mula sa kanilang mga tahanan sa Northern Ireland dahil sa naganap na kaguluhan doon.
Nakitulog muna umano ang mga ito sa bahay ng kanilang mga kaibigan matapos na daan-daang nakamaskarang rioters ang umatake sa mga pulis, nanunog ng kanilang tahanan at mga sasakyan.
Iniimbestigahan naman na ng mga awtoridad ang naturang “hate crimes.”
- Latest