Plunder, malversation, bribery vs VP Sara
Pinalalarga na ng Kamara
MANILA, Philippines — Inirekomenda na ng Kamara ang paghahain ng kasong plunder, bribery, technical malversation at perjury kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng umano’y irregularidad sa paggasta nito ng P612.5 milyong confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) at sa panahon ng pamumuno nito sa Department of Education (DepEd).
Sa sesyon sa plenaryo kamakalawa ng gabi ay ini-adopt ng Kamara ang Committee report ng House Committee on Good Government and Public Accountability na pinamumunuan ni Manila Rep. Joel Chua na nagsagawa ng imbestigasyon sa kaso.
Base sa committe report, ang rekomendasyon para sampahan ng plunder si VP Duterte at 10 iba pa ay kaugnay ng alegasyon na nagkamal umano ito ng P50 milyong public funds habang ang hindi wastong paggamit umano ng confidential funds ay aabot sa P500M sa OVP at P12.5 naman sa DepEd.
Ang technical malversation naman ay sanhi ng paggamit nito ng confidential funds sa iba pang mga aktibidad habang ang perjury ay sa alegasyon ng mga kaduda-dudang sertipikasyon ng notary sa mga confidential na aktibidad ng ahensya na nilagdaan ng Special Disbursing Officer (SDO).
Tinukoy din dito na ang rekomendasyon naman ng paghahain ng kasong bribery dahilan sa testimonya ng mga testigo na binigyan umano sila ng mga kulay puting envelop na may lamang pera bukod pa sa kanilang suweldo.
Nakuwestiyon din sa pagdinig ang mga kaduda-dudang pangalan ng recipients ng confidential funds kabilang ang Mary Grace Piattos, Chippy Mcdonalds at iba pa.
“The OVP spent P125 million in 11 days, averaging P11.36 million per day in 2022 alone The confidential funds of the OVP and the DepEd were disbursed “contrary to laws, rules, and regulations,” punto sa panel report.
- Latest