^

Bansa

Marcos dedma muna sa ‘gulo’ sa impeachment - Palasyo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Abala sa trabaho at walang panahon sa impeachment si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang tugon ni Pa­lace Press Officer Atty. Claire Castro sa tanong tungkol sa hakbang ng Senado, na umuupong impeachment court na ibalik sa Kamara ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

‘’Kung ang Senado, may mga ilang senador na busy sa pagtatanggol sa procedure at may mga senador na busy sa pagtatanggol sa Bise Presidente, ang Pangulo po ay busy sa pagtratrabaho,’’ pahayag ni Castro.

Sinabi ni Castro na nais lang ni Marcos na magsilbi sa publiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng mura at abot kayang presyo ng bigas at mga pangunahing kailangan ng mga filipino.

‘’Gusto niya sana maibigay ang mababang presyo ng bigas, makapagbigay ng mababang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado at maibsan kung anuman pong paghihirap,” dagdag pa niya.

Samantala bilang abogado, naniniwala naman si Castro na hindi nila mabatid kung ano ang tunay na adhikain ng mga senador sa pagbabalik nila ng article of impeachment sa Kamara at kung magreresulta ito ng constitutional crisis.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with