House sa Senado: Linawin bakit ibinalik impeachment complaint

MANILA, Philippines — Hinihingan ng klaripikasyon ng prosecution team ang Senado sa desisyon nito sa pag-remand o pagbabalik ng Articles of Impeachment complaint sa Kamara laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa press briefing nitong Miyerkules ng hapon, sinabi ni Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro, miyembro ng House prosecution panel, na sa ilalim ng panuntunan ng batas maging sa mga ordinaryong korte hindi lamang sa impeachment court, ang pagpapadala ng summon ay hudyat ng hurisdiksyon sa kaso.
Ayon kay Luistro, nalalabuan sila sa naging order ng Senado at nanindigan na ang isinumiteng 7 Articles of Impeachment ng Kamara noong nakalipas na Pebrero 5 ay alinsunod sa 1987 Constitution.
Iginiit ni Luistro na iginiit na wala silang nilabag na isang taong pagbabawal sa batas sa pagsusulong ng impeachment.
Hinggil naman sa pag-summon ng impeachment court laban kay VP Duterte, sinabi ni Luistro na mayroon itong 10 araw para sumagot.
“So finally the people of the Philippines will see from the answer of the vice president what her defenses are. Isa lamang po ang ibig sabihin nito yung pag-acquire ng jurisdiction ng impeachment court sa ating respondent, kay Vice President Sara Zimmerman Duterte, it only shows na tuloy na tuloy na ang impeachment trial,” saad ni Luistro.
- Latest