^

Bansa

Petisyong harangin impeachment trial vs VP Sara inihain sa SC

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Petisyong harangin impeachment trial vs VP Sara inihain sa SC
Sa 45-pahinang petition ng mga abogadong sina ­Attys. Israelito Torreon, Martin Delgra III, James Reserva, Hillary Olga Reserva, at Jey Rence Hilario, hiniling nila ang temporary restraining order and/or writ of preliminary injunction para mapigilan ang impeachment trial.
Philstar.com / EC Toledo

MANILA, Philippines — Inihain nitong Miyerkules sa Korte Suprema ang supplemental motion laban sa pagsasagawa ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa 45-pahinang petition ng mga abogadong sina ­Attys. Israelito Torreon, Martin Delgra III, James Reserva, Hillary Olga Reserva, at Jey Rence Hilario, hiniling nila ang temporary restraining order and/or writ of preliminary injunction para mapigilan ang impeachment trial.

Hiniling din nila na ideklarang null and void ang articles of impeachment.

Sa pahayag ni Atty. Torreon, sinabi niya na kinukuwestiyon nila kung maaaring ipasa ng 19th Congress sa 20th Congress ang pagdinig sa impeachment dahil hindi umano ito naayon sa principle of legislative discontinuity. Ang kasalukuyang kongreso ay magtatapos na sa Hunyo 30.

Aniya, maghahain sila ng manifestation upang i-update ang SC sa developments ng impeachment sa House at Senate.

Noong nakalipas na Pebrero ay inihain ni Duterte ang petisyon sa SC na kumukwestyon sa validity at constitutionality ng 4th impeachment complaint.

KORTE SUPREMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with