M'cañang official nasawi sa China
MANILA, Philippines - Nasawi ang hepe ng Malacañang Media Accreditation and Relations Office (MARO) na si Henry Reveche, 61, matapos atakihin sa puso habang nagsasagawa ng ocular inspection sa World Expo site sa Shanghai, China kamakalawa.
Ayon kay Press Undersecretary Rogelio Peyuan, pauwi na sana ang grupo ni Reveche sa Maynila nang balikan muli ni Reveche ang World Expo site sa Shanghai hanggang sa mag-collapse ito.
Mabilis na isinugod sa malapit na ospital ang MARO chief subalit idineklarang dead on arrival.
Nagsagawa ng ocular inspection sa Shanghai ang MARO chief bilang preparasyon sa pagdalo ni Pangulong Arroyo sa World Expo sa June 8-9.
Wika pa ni Peyuan, nakikiramay ang buong Arroyo government sa pamilya ng nasawi at nakatakdang iuwi na ang labi nito sa bansa.
- Latest
- Trending