^

Bansa

World leaders, nagsidatingan na para sa ASEAN

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
World leaders, nagsidatingan na para sa ASEAN
Ilan sa mga world leaders na dumating sa bansa kahapon.

MANILA, Philippines — Nagsimula nang dumating sa bansa ang mga lider ng iba’t ibang estado upang dumalo sa ika-49 na ASEAN ­Summit at mga kaugnay na pagpupulong.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), magsisimula ngayong araw ang ­pangunahing serye ng mga pulong na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC).

Susundan ito ng Plenary at Retreat Sessions kung saan tatalakayin ng mga lider ng ASEAN ang mga naging tagumpay ng Pilipinas bilang ASEAN Chair, gayundin ang mga hakbang upang higit na mapalakas ang kakayahan ng samahan sa pagtugon sa mga bagong hamon sa rehiyon at sa pandaigdigang komunidad, kabilang ang patuloy na sitwasyon sa Myanmar.

Makikipagpulong din ang mga pinuno ng ASEAN sa mga kinatawan ng ASEAN Parliamentarians, sektor ng negosyo at kabataan upang mapalawak ang talakayan at marinig ang kanilang pananaw sa mahahalagang usaping panrehiyon.

Dumating nitong Sabado ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Canadian Prime Minister Mark Carney bilang panauhin ng ASEAN Chair. Dumating din si Cambodian Deputy Prime Minister for Education, Youth and Sports Hang Chuon Naron na kumakatawan kay Prime Minister Hun Manet.

Bandang hapon naman nang lumapag sa NAIA si Australian Prime Minister Anthony Albanese at Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei.

Nasa bansa na rin si Brazilian President Luiz Inácio Lula da Silva, na nakipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Inaasahan pa ang pagdating ng iba pang mga lider habang nagpapatuloy ang mga pagpupulong ng mga senior officials bago ang pormal na pagbubukas ng ASEAN Summit.

ASEAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with