^

True Confessions

La Viuda (57)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“DIYOS ko, Ernesto!” nandidiring sabi ni Donya Presentacion habang nandidilat ang mga mata sa anak. “Pati ba naman ang anak ng mayordoma?! Lahat na lang ba ng nakasuot ng palda sa haciendang ito ay papatusin mo?”

“Sabi ko naman kasi sa inyo na huwag kayong pa­pasok,” sagot ni Ernesto habang pilit na iniharang ang sarili sa kama.

Napaatras ang donya, hindi makapaniwala sa “kahi­hiyang” nakita sa gitna ng gabi. “Wala kang kaparis! Nag­kakagulo ang buong hacienda, tapos narito ka at guma­gawa ng kalaswaan!”

Sa matinding inis sa eskandalong nasaksihan, mabilis­ na tinalikuran ng Donya at ni Mang Teban ang silid­ at ibinalibag ang pinto. Nang marinig ang papa­layong mga yabag sa pa­silyo, napahinga nang ma­lalim si Ernesto. Agad na bumangon si Hulyana sa kama—suot pa rin pala nito ang buong damit sa ilalim ng kumot—habang si Ernesto naman ay mabilis na isinuot muli ang kamiseta at pantalon. Sa loob ng ilang segundong pagkaantala ng donya sa pinto kanina, naging mabilis ang kanilang pagkakaunawaan upang buuin ang pekeng eksena.

Dahan-dahang lumuhod si Ernesto sa gilid ng kama at itinaas ang nakalaylay na tela ng kubrekama. Sa ilalim ng kama, naroon si Andres, nakadapa sa sahig, nakagapos ang mga kamay at paa, at nananatiling wala sa katinuan habang nakakabit pa rin ang rosaryo sa leeg.

“Salamat, Hulyana,” sabi ni Ernesto.

“Walang anuman, Señorito,” sagot ng dalaga.

Pero bago umalis si Hulyana sa kuwarto­ ni Ernesto, napahinto siya sa gilid ng kama. Napatingin ang dalaga sa ilalim kung saan naroon ang nakagapos na si Andres.

Inilapit ni Hulyana ang kanyang mukha at bahagyang inamoy ang hangin sa ilalim. “Senyorito Ernesto, manggagamot at magta­tawas ang lolo ko sa Baryo San Isidro. Pamil­yar sa akin ang amoy na nanggagaling sa lala­king kamukha ni Senyorito Emilio.”

Napatingin si Ernesto sa dalaga, nagtataka­. “Anong ibig mong sabihin?”

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with