^

Bansa

‘Impeachment ang isyu, hindi luxury cars’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
‘Impeachment ang isyu, hindi luxury cars’
Bidding failed due to the absence of registered bidders, the BOC-Port of Manila auction and cargo disposal division said.
Bureau of Customs via Facebook

MANILA, Philippines — Mistulang wala sa tono umano si Senador Robinhood Padilla matapos ilihis ang usapin ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa isyu ng umano’y mga mamaha­­ling sasakyan ng ilang mambabatas.

Ito ang sinabi ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua bilang reaksiyon sa pahayag ni Padilla na may mga mambabatas umanong gumagamit ng luxury vehicles na nagkakahalaga ng P16 milyon hanggang P22 milyon, sa gitna ng pagtalakay ng Senado sa impeachment case ni Duterte.

“Ang issue dito ay impeachment. Hindi naman subject ng impeachment ang mga miyembro ng Senado at Kamara,” ani Chua.

Kabilang sa tinutukoy ni Padilla ang umano’y mga bulletproof na Mercedes-Benz, Range Rover at iba pang mamahaling van na ginagamit ng ilang senador at kongresista.

Ayon kay Chua, may tamang proseso para sa ganitong mga usapin. Aniya, maaaring magsampa ng reklamo ang sinuman, kabilang ang mga mamamayan, sa House Ethics Committee kung may nakikita silang iregularidad sa pagmamay-ari ng ­naturang mga sasakyan.

Iginiit din ni Chua na nakatuon ang impeachment trial laban kay VP Sara sa mga alegasyon, kabilang ang usapin ng umano’y “unexplained wealth,” at hindi sa personal na pamumuhay o mga ari-arian ng mga senador at kongresista.

Matatandaang kinuwestiyon ni Padilla kung bakit isinasama sa impeachment proceedings ang umano’y P256,000 halaga ng Nike shoes na binili ng mister ni VP Sara na si Atty. Manases “Mans” Carpio sa isang torneo sa Kuala Lumpur, Malaysia para sa mga miyembro ng Elite basketball team at kanilang mga magulang.

Iminungkahi rin ng senador na imbestigahan na rin ang pagbibigay niya ng P300,000 at P340,000 ayuda sa mga biktima ng pamamaril sa mga paaralan sa Tacloban at South Cotabato.

IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with