^

Bansa

Pinas, Canada selyado na ang Free Trade Deal

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinas, Canada selyado na ang Free Trade Deal
Ito ay kasunod ng bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Canadian Prime Minister Mark Carney bilang bahagi ng pagsisikap ng dalawang bansa na higit pang palakasin ang kanilang ugnayang pang-ekonomiya at pangkalakalan.
STAR / File

MANILA, Philippines — Pormal nang natapos ng Pilipinas at Canada ang negosasyon para sa kanilang Free Trade Agreement (FTA).

Ito ay kasunod ng bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Canadian Prime Minister Mark Carney bilang bahagi ng pagsisikap ng dalawang bansa na higit pang palakasin ang kanilang ugnayang pang-ekonomiya at pangkalakalan.

Dumating si Carney sa Maynila nitong madaling-araw, ilang oras bago ang kanyang pakikipagpulong sa mga lider ng Pilipinas.

Sa naturang pagpupulong, inanunsiyo ng dalawang bansa ang matagumpay na pagtatapos ng negosasyon at nilagdaan ang isang joint statement para sa kanilang Free Trade Agreement.

Ayon kay Pangulong Marcos, malaki ang naging progreso ng Pilipinas at ­Canada at nananatiling matatag ang kanilang hangarin na higit pang mapalalim ang estratehikong ugnayan sa pamamagitan ng mga konkretong programa at kasunduan.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng pagpapalawak ng kalakalan at pakikipagkaibigan ng dalawang bansa, kabilang ang pagpapatibay ng people-to-people ties.

Tinatayang nasa isang milyong Pilipino ang naninirahan sa Canada, dahilan upang umasa ang Pilipinas na lalo pang lalakas ang ugnayan ng dalawang bansa, hindi lamang sa larangan ng ekonomiya kundi maging sa pagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino.

Inaasahang lalagdaan ng Pilipinas at Canada ang pinal na kasunduan para sa Free Trade Agreement sa taong 2027.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with