Babaing estudyante na may epilepsy, pinagaling ni St. Charbel
(PART 1)
MARAMI nang doktor ang sumuri sa estudyanteng si Mary Jo Joseph El-Shami, ng Ableh, Lebanon sa sakit nitong epilepsy subalit hindi nila ito mapagaling. Hindi nila alam kung paano gagamutin ang 20-anyos na estudyante.
Sabi ng ina ni Mary Jo, kabilang sa mga magagaling na doktor na sumuri rito ay sina Dr. Ghassan Humeiss ng St. George Hospital; Dr. George Hanna ng Lady of Lebanon Hospital; Dr. Paul El Hajj at LAU Hospital, at Dr. Waseem Nasreddine ng AUB Hospital,
Subalit bigo ang mga nabanggit na doktor na mapagaling ang kanyang anak. Sabi ng ina, awang-awa na siya sa kalagayan ng anak. Nadudurog umano ang kanyang puso kapag nagsi-seizure ang anak. Halos araw-araw umanong nagsi-seizure ang anak.
Hindi na umano malaman ng ina kung ano ang gagawin para mapagaling ang anak. Napakabait umano ng kanyang anak at mahusay mag-aral. Mula nang magkasakit ay tumigil na ito sa pag-aaral.
Hanggang sa mabalitaan ng ina ang mahimalang pagpapagaling ni St. Charbel sa mga maysakit.
Ayon sa ina, kung hindi makaya ng mga doktor na mapagaling ang kanyang anak na si Mary Jo, naniniwala siyang mapapagaling ito ni St. Charbel.
Itinigil nila ang medications ng anak at sa halip, binigyan ng daily blessings mula kay Saint Charbel, kabilang ang oil, incense, at oak leaves.
Itutuloy
- Latest















