Cocaine shipment, lumutang sa dagat ng Aparri!
MGA kosa, lumalabas na bagsakan talaga ng droga ang Pinas! Mabuti na lang at hindi nakapasok ang mga droga mula sa Laos, sa Thailand, sa Customs, sa Zamboanga City at itong huli ay cocaine naman sa Cagayan Valley. Paano kung hindi napigilan ang pagpasok ng mga ito sa Pinas? Abayyyyy, libu-libong Pinoy ang magiging adik o patuloy na magiging adik. Purbidang yawaahhhhh!
Ang sabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla bumaba na ang presyo ng droga dahil sa kawalan ng supply nito. Naniniwala ba kayo kay Boss Jonvic mga kosa? Ang katanungan na umiikot sa ngayon sa buong Pinas, ay sino ang nasa likod nitong malakihang shipment ng droga at t’yak hindi pipitsugin ang grupong ito. Ge’t’s nyo mga kosa? May punto! T’yak malakas ang koneksiyon ng grupo. Mismooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sinabi naman ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. na ang 26-brick-shaped packages na naglalaman ng cocaine ay nadiskubre ng apat na mangingisda sa karagatan ng Bgy. Sanja, Aparri, Cagayan. May 30.15 kilos ito at nagkakahalagang P159,795 milyon. Araguyyyyy! Lugi ang negosyo.
Ang mga mangingisda ay nasa humigit-kumulang 40 nautical miles offshore sa borders ng karagatan ng Fuga at Camiguin Islands nang mamataan ang droga na palutang-lutang sa dagat. Nakabalot ang mga ito ng plastic na may double-G pattern at pulang red mouth-and-mouth graphic. Ito kaya ang emblem ng sindikatong droga?
Hindi naman nagka-interes ang mga mangingisda sa kanilang nadiskubreng packages, imbes ini-report nila ito at nai-turnover sa pulisya sa Bgy. Sanja, Aparri ng matiwasay. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Binigyan-diin ni Nartatez ang aktibong pakipagtulungan ng publiko sa kampanya vs droga, upang hindi ito makakarating sa Pinas at maibenta sa kalye. Kung sabagay itong cocaine ay mga mayayaman lang ang parukyano, di ba Boss Jonvic Sir? Ganun na nga! Dipugaaaaa!
“Every recovered package of suspected illegal drugs is an opportunity to prevent further harm to our communities. We will pursue every lead and ensure that recovered evidence is properly secured and subjected to the necessary investigation,” ang pahayag ni Nartatez. Anong sey n’yo mga kosa?.
“Saludo kami sa katapatan at pakikiisa ng ating mga mangingisda?alaking bagay ito sa ating kampanya kontra ilegal na droga. Sana ay magsilbi itong inspirasyon sa publiko na agad i-report sa pulisya ang anumang kahina-hinalang bagay na kanilang makikita,” ang dagdag pa ni Nartatez. Mismooooo!
Mga kosa, purihin natin ang Aparri police station, PIU Provincial Drug Enforcement Unit, at ang 2ndMobile Force Company sa kani-kanilang role sa pag-turnover ng cocaine shipment sa higher headquarters. Abangan!
- Latest















