^

Bansa

Satisfaction ng Pangulong Marcos admin bagsak uli - SWS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumagsak sa ikalawang pinakamababang antas ang net satisfaction rating ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa mula Setyembre 21-27 sa 1,599 adult respondents sa bansa, nakapagtala ang administrasyon ng net satisfaction rating na -4, mas mababa sa +1 noong ikalawang quarter ng taon.

Batay sa resulta, 38 porsyento ng mga Pilipino ang nasisiyahan sa pagganap ng administrasyon, 18% ang neutral, habang 42% ang hindi nasisiyahan.

Ayon sa SWS, ang -4 rating ang ikalawang pinakamababa para sa administrasyong Marcos, kasunod ng rekord na -13 noong Marso 2026.

Pinakamalaki ang ibinaba sa Metro Manila na -21 mula -11. Bumaba rin ito sa Balance Luzon sa +7 mula +13 at sa Visayas -2 mula +3, habang nanatili sa -17 sa Mindanao.

Sa mga programa ng gobyerno, nakakuha ng very good rating ang administrasyon sa pagbibigay ng pangunahing edukasyon sa mga pampublikong paaralan (+61) at pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon (+50).

Nagtala ito ng good ratings sa pagtulong sa mahihirap (+42), programang pabahay (+40), paglikha ng trabaho (+40), pagtulong sa mga biktima ng kalamidad (+36), at pagpapaunlad ng agham at teknolohiya (+30).

Moderate ang marka sa food security, pampublikong transportasyon at pagtatanggol sa soberanya ng bansa sa West Philippine Sea.

Nanatiling neutral ang ratings sa pagpigil sa kagutuman, paghahanda sa malalakas na bagyo, pangangalaga sa mga Pilipino sa Gitnang Silangan, at pagtugon sa epekto ng climate change.

Pinakamahina ang marka ng administrasyon sa paglaban sa implasyon, pag-aalis ng graft at korapsyon, paglaban sa krimen at patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

SOCIAL WEATHER STATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with