^

Bansa

Rally vs Chacha kasado sa Dis. 12

-

Nakahanda si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III na sumama sa rally na ikakasa sa Disyembre 12 upang labanan ang Charter Change na niluluto sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Aquino, sa sandaling matapos ang budget deliberation sa Senado, malaki ang po­sibilidad na sumama siya sa gagawing rally ng iba’t ibang sector ng lipunan na tumututol sa term extension ni Pangulong Gloria Arroyo.

Bagaman at gusto ring sumama ni Senate Minority Leader Aquilino Pimen­tel Jr. sa gagawing inter-faith rally, sinabi nito na mahina na siyang magla­kad at baka ma­ka­abala lamang sa gaga­wing rally.

Ayon kay Pimentel, lalabanan na lamang niya sa loob ng plenaryo ng Senado ang ekstensiyon ng termino ng Pangulo.

Ang Bagong Alyan­sang Makabayan (Bayan) ang mangunguna sa inter-faith rally kung saan sasama ang kaalyadong civil society at religious groups.

Posibleng gawin uma­no ang nasabing rally sa balwarte ni Makati City Mayor Jejomar Binay.

Magpapadala rin uma­no ng malaking contingent ang Bangon Pili­pinas ni Bro. Eddie Villa­nueva at United Opposition (UNO) maging ang Association of Major Religious Superiors of the Philippines, Youth Act Now, Promotion of Church People’s Response, Concerned Citizens Movement, EDSA-3 Coalition, Sanla­kas at Coalition for National Transformation. (Malou Escudero)

ANG BAGONG ALYAN

AQUINO

ASSOCIATION OF MAJOR RELIGIOUS SUPERIORS OF THE PHILIPPINES

AYON

BANGON PILI

CHARTER CHANGE

CONCERNED CITIZENS MOVEMENT

EDDIE VILLA

MABABANG KAPULUNGAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with