^

Police Metro

Coach ng volleyball binaril sa gym, utas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang volleyball coach ng Davao Region Athletic Association (DAVRAA) team nang ito ay barilin ng hindi pa nakilalang mga suspek habang nagsasagawa ng training session sa loob ng gymnasium sa Brgy. Bago Gallera, Davao City nitong Huwebes ng gabi.

Ang nasawing biktima ay kinila­lang si Randy Ultado Maravillas, 35-anyos, coach ng volleyball team ng mga high school varsity players.

Sa ulat ng pulisya, pasado alas-6:00 ng gabi nang dumating ang mga salarin sa gymnasium lulan ng motorsiklo at nilapitan ang biktima habang abala ng pagpra-praktis  sa kaniyang mga volleyball players sa Suhai gymnasium nang ito ay barilin nang malapitan sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Mabilis na tumakas ang suspect na nakasuot ng face mask, kulay itim na tshirt at short, naka-sumbrero.

Kasalukuyan na ring nirerebyu ng pulis ang kuha ng CCTV footage sa lugar upang mapabilis ang pagresolba sa kasong ito.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with