^

Bansa

Bloody Friday!

-

Matapos ang isang malakas na pagsabog at pagyanig sa ground floor ng 2nd level ng Glorietta Mall isang nakakahilakbot na tanawin ang nasak­ sihan ng mga nagulantang na ma­mimili nang makita nila ang nagkalat na du­guang kata­wan ng tao.

Sa ginawang imbesti­gasyon ni Supt. Gilbert Cruz, hepe ng Makati police sa mga taong kasalu­kuyang nasa loob ng mall dakong ala-1:30 ng hapon kung saan naganap ang pagsabog sa Luk Yuen Noodle House, isang ma­la­­kas na pagsabog ang bigla na lang nilang narinig at kitang kita nila ang pag­hagis ng katawan ng mga tao na nasa loob ng restaurant kung saan nananang­halian ang mga ito.

Nagkalat ang mga du­guang katawan ng tao ang iba ay halos magkagutay-gutay dahil sa naganap na pagsabog habang ang iba ay palahaw at iyakan ang ginawa para makahingi ng saklolo.

Subalit ang paghingi ng tulong ng mga sugatan ay parang hindi na rin alintana ng mga taong nasa loob ng mall dahil sila man ay nag­kanya-kanya ng takbuhan upang iligtas ang kanilang mga sarili.

Makalipas ang ilang minuto ay isa-isa ng nag­datingan ang mga ambu­lansya ng Makati Medical Center at Ospital ng Makati upang dalhin ang mahigit sa 90 kataong nasugatan sa pagsabog.

Ayon naman sa ilang mga mamimili na nasa ika-tatlong palapag ng mall ay akala nila ay isang mala­kas na lindol ang kanilang naranasan matapos ng pagsabog dahil sa pag-uga ng gusali.

Ang nasabing pagsa­bog ay lumikha ng isang malaking butas sa ground floor ng mall tanda ng isang malakas na bomba ang ginamit ng hinihina­lang terorista. (Edwin Balasa)

EDWIN BALASA

GILBERT CRUZ

GLORIETTA MALL

LUK YUEN NOODLE HOUSE

MAKATI

MAKATI MEDICAL CENTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with