^

Bansa

Telco suportado ang mas mahigpit na proteksiyon online

Philstar.com
Telco suportado ang mas mahigpit na proteksiyon online
Stock image of gadgets.
Image by fancycrave1 from Pixabay

MANILA, Philippines — Sinusupurtahan ng isang telco ang mga hakbang upang pigilan ang access sa online content na nagpapakita ng mga pamamaril sa paaralan at iba pang matitinding karahasan, habang lumalaki ang pangamba sa pagkakalantad ng mga bata at kabataan sa mapanganib na content online.

Ayon sa Globe, matagal nang bahagi ng kanilang pamamaraan para sa online safety ang proactive network-level blocking. Noong 2025 lamang, sinabi ng kumpanya na hinarang nito ang 438,446 domain at URL na naglalaman ng child sexual abuse and exploitation materials (CSAEM), na sinuportahan ng mahigit $2.7 milyon na pamumuhunan sa mga advanced content filtering at blocking systems.

Lumampas din ang kompanya sa mga umiiral na requirement sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga hakbang sa proteksiyon upang saklawin ang mga non-photographic imagery at, mula Agosto 2024, ang AI-generated child sexual abuse materials.

Bilang tugon sa mga naganap na karumal-dumal na insidente, sinabi ng Globe na hinaharang nito ang karagdagang daan-daang website na nag-i-stream o nagho-host ng ilegal na gore-related content o mga materyal na may kaugnayan sa matinding karahasan, alinsunod sa mga kamakailang kautusan ng mga ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas.

“We have a responsibility to help make the online environment safer, especially for children and young people. As new risks emerge, we need to keep looking at what more we can do. The recent school shooting incident is one opportunity where the industry can work together by removing sites that induce violence in our networks. At Globe, we are ready to do our part and protect children online,” ani Atty. Froilan Castelo, Globe general counsel.

Dagdag pa ng Globe na patuloy ang nakikipagtulungan nito sa pamahalaan at mga lokal at internasyonal na organisasyon, kabilang ang Internet Watch Foundation (IWF) at Canadian Centre for Child Protection (C3P), na sumusuporta sa mga pagsisikap na matukoy at mapigilan ang access sa mapanganib at ilegal na content. Habang nagbabago ang mga banta online, patuloy na paiigtingin ng telco ang mga hakbang nito para sa kaligtasan at susuportahan ang mga pagsisikap tungo sa mas malawak at koordinadong pagkilos ng industriya. (Contributed story)

INTERNET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with