DOLE: Empleyadong maaksidente tatanggap ng benepisyo

MANILA, Philippines — Dahil sa masamang panahonNagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na may karapatang tumanggap ng kompensasyon at iba pang benepisyo ang mga manggagawang makaranas ng work-related injury dahil sa masamang panahon, sa ilalim ng Employees Compensation (EC) Program ng Employees’ Compensation Commission (ECC).
Ayon kay ECC Executive Director Atty. Kaima Via B. Velasquez, saklaw ng programa ang mga aksidenteng nangyayari habang papasok o pauwi mula sa trabaho, kabilang ang pagkadulas sa basang kalsada o pagkahulog sa bukas na manhole.
Kabilang sa mga benepisyo ang income replacement para sa mga manggagawang pansamantalang hindi makapagtrabaho dahil sa injury o sakit na may kaugnayan sa trabaho. Maaari rin silang makatanggap ng medical reimbursement na hanggang 60 porsiyento ng gastusin sa pagpapagamot at konsultasyon, basta’t may kaukulang resibo at dokumentasyon.
Nilinaw ng ECC na hindi lamang mga aksidenteng nagaganap sa loob ng workplace ang maaaring saklawin, kundi maging ang ilang insidenteng nangyayari sa araw-araw na pagbiyahe papunta at pauwi mula sa trabaho, alinsunod sa mga itinakdang panuntunan ng EC Program.
Maaaring maghain ng claim ang private-sector workers sa pamamagitan ng Social Security System (SSS), habang sa Government Service Insurance System (GSIS) ang mga kawani ng pamahalaan.
Para sa self-employed workers, maaaring gamitin ang SSS app.
- Latest























