PAGASA: Bagyo nabuo sa labas ng PAR

MANILA, Philippines — Isa nang bagyo ang isang tropical depression na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) alas-8:00 ng umaga kahapon, araw ng Sabado.
Ayon sa PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 2,400 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras at pagbugsong 80 km kada oras.
Kumikilos ang bagyo pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 30 km kada oras.
Sinabi ng PAGASA na wala pang direktang epekto sa bansa ang naturang bagyo ngayong weekend, subalit inaasahang papasok ito sa loob ng PAR sa Lunes o Martes.
- Latest















