^

Bansa

Mas mahigpit na gun storage rules itinutulak ni Sen. Raffy

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mas mahigpit na gun storage rules itinutulak ni Sen. Raffy
The Junior High School building of the Ateneo de Zamboanga University.
Philstar.com / Martin Ramos

MANILA, Philippines — Matapos school shootingNaalarma si Sen. Raffy Tulfo sa pamamaril sa loob ng Ateneo de Zamboanga University noong Agosto 18 na ikinasawi ng dalawang estud­yante, kabilang ang Grade 10 shooter na kalaunan ay nagpakamatay. Na-live rin sa social media ng suspek ang insidente. Isa sa baril na ginamit ay kumpirmadong government-issued firearm ng ama ng suspek, na isang Customs police officer.

Agad na sumulat si Tulfo kay DepEd Secretary Sonny Angara para humingi nang mas detalyadong ulat at nag-alok ng tulong sa mga pamilya ng biktima.

Nauna nang iminungkahi ni Sen. Raffy sa DepEd, sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education, ang agarang pagpapatupad ng mga hakbang laban sa tumitinding karahasan sa mga paaralan. Mula Hunyo hanggang Agosto 2026, siyam na sunud-sunod na insidente ng school violence ang opisyal na naitala.

Giit niya, kailangan nang mas mahigpit na security measures sa mga paaralan, kabilang ang paggamit ng handheld metal detectors ng mga guwardiya.

Binanggit ni Tulfo na kulang ang malinaw na gun storage guidelines, kaya’t madaling naa-access ang mga baril ng ibang tao. Iminungkahi niya na bago mag-isyu ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF), dapat inspeksyunin ng PNP ang storage ng gun owner.

“Kapag ikaw ang licensed owner at nagamit ang baril mo sa maling paraan, dapat kasuhan ka, makulong,” ani Tulfo.

Naghain din siya ng Senate Bill No. 2371 para amyendahan ang Juvenile Justice and Welfare Act, na layong magtatag ng Regional Rehabilitation Cen­ters para sa kabataang nasasangkot sa mabibigat na krimen. Kasama rito ang hiwalay na pasilidad para sa mga edad 12–15 na gumawa ng karumaldumal na krimen.

Sang-ayon din si Tulfo sa mas mahigpit na kontrol sa gadget, social media, at online games access ng kabataan, at sa pagbibigay ng tamang guidance sa mga magulang at guro sa pamamagitan ng Pa­rent-Teacher Association (PTA) programs upang maagapan ang violent behavior ng mga estud­yante.

PTA

RAFFY TULFO

SHOOTINGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with