Bilang ng mahihirap na Pilipino bumaba – PSA
MANILA, Philippines — Bumaba ang bilang ng mga Filipino na itinuturing ang sarili na mahirap noong 2025, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Naitala ang 6.4% poverty incidence o katumbas ng 1.9 milyong mahihirap na pamilya, mas mababa kumpara sa 2.99 milyon noong 2023.
“This marks the first time that the country’s poverty incidence among families has fallen to a single-digit level,” pahayag ng PSA.
Mula sa 17.54 milyon na mga Filipino na itinuring na mahirap noong 2023, bumaba ito sa 11.08 milyon noong 2025. Dahil dito, bumaba rin ang poverty incidence sa mga indibidwal mula 15.5% noong 2023 tungo sa 9.7% noong 2025.
Upang maituring na mahirap, ang kita ng isang indibidwal ay kailangang mas mababa sa poverty threshold ng bansa. Noong 2023, ang poverty threshold ay P13,873 kada buwan para sa pamilyang may limang miyembro. Noong 2025 ay P14,634 kada buwan.
Ibig sabihin, ang mga pamilyang kumikita ng higit sa P14,634 kada buwan ay hindi na kabilang sa mahihirap batay sa pamantayan.
Ayon sa PSA, bumaba ang bilang ng mahihirap dahil mas mabilis na tumaas ang kita kaysa sa presyo ng mga bilihin, partikular na pagkain.
Target ng pamahalaan na mapanatili ang single-digit poverty incidence bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2028.
- Latest
















