^

Bansa

Ina, 2 anak natagpuang patay sa sasakyan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Ina, 2 anak natagpuang patay sa sasakyan
Map Of Bulacan
STAR/ File

MANILA, Philippines — Natagpuang patay at may mga tama ng bala ng baril sa ulo ang isang ginang at dalawang batang anak sa loob ng isang abandonadong sasakyan sa Barangay Talacsan, San Rafael, Bulacan, nitong Huwebes.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Margie Rose Valderama Macalinao, 31-anyos, at mga anak niyang sina Jaesen Matthew, 9, at Jaezel Margarette, 4.

Ayon sa paunang ulat ng San Rafael Municipal Police Station, natuklasan bandang 2:00 ng madaling-araw ang isang Toyota Avanza na may plakang NKG 3374 sa naturang lugar. Nasa backseat ng sasakyan ang tatlong bangkay na magkakatabing nakahiga.

Bago nito, iniulat umano ng live-in partner ni Margie Rose at ama ng dalawang bata na si Francisco Vicho na huling nakita ang mga biktima bandang alas-5:00 ng hapon noong Agosto 19.

Kasunod nito, nagpalabas ang pulisya ng flash alarm para sa mga nawawalang biktima.

Sa isang interview, kinumpirma ni Brig. Gen. Jess Mendez, regional director ng Police Regional Office 3, na nasawi ang mag-iina makaraang magtamo ng tama ng bala sa kanilang sentido.

Lumalabas sa imbestigasyon na pag-aari ng nasabing ginang ang naturang sasakyan. Nakuha rin sa loob ng sasakyan ang baril na lisensyado at pag-aari ng ginang na hinihinalang ginamit sa krimen. Nakarekober din ang pulisya ng tatlong basyo ng bala sa nasabing lugar.

Sa re­enactment sa crime scene, lumalabas ang posibilidad na mismong ang nasabing ginang ang pumatay umano sa kanyang dalawang anak bago nagbaril sa sarili.

Bago ang insidente, nagpunta pa ang ginang at mga anak sa bahay ng kanyang mga magulang sa Angat noong Miyerkules at umalis sila roon pasado alas-4 ng hapon at kalaunan ay hindi na sila makontak pa.

Patuloy pa ang malalimang imbestigasyon kung may foul play sa insidente.

SAN RAFAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with