^

Bansa

Nationwide active attack drills sa mga paaralan, inutos ng DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Nationwide active attack drills sa mga paaralan, inutos ng DepEd
This file photo shows a facade of the Department of Education.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng public at private elementary at secondary schools sa bansa na magsagawa ng sabayang safety drill para sa active attack incidents sa Agosto 25, alas-9 ng umaga.

Batay sa memorandum na may petsang Agosto 12, inaatasan ang mga paaralan na gamitin ang kanilang localized contingency plans para sa active attack scenarios.

Ayon sa DepEd, may mga designated ceremonial venues sa bawat rehiyon, ngunit mahigpit ding hinihikayat ang lahat ng paaralan na magsagawa ng sariling drills sa nasabing araw o sa isang adjusted schedule.

Ang direktiba ay kasunod ng lumalaking pangamba ng publiko sa kaligtasan ng mga mag-aaral, matapos ang ilang insidente ng karahasan sa loob ng mga eskwelahan.

Tiniyak ng DepEd na patuloy nilang pinalalakas ang kahandaan ng mga paaralan sa pamamagitan ng school contingency planning at emergency response measures.

DEPED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with