^

Probinsiya

Manager, todas sa sekyu ng subdibisyon!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Manager, todas sa sekyu ng subdibisyon!
Dead-on-the-spot ang biktima mula sa 2 ba­lang bumaon sa ulo nito na kinilalang si alyas Ri­chard, residente ng Blk. 16 Lot 22 Kosmos St. Villa Felicia Subdivision, Brgy. Bayanan, Bacoor City. 
STAR/File

Sinita sa dalang construction materials

CAVITE, Philippines — Brutal ang sinapit na kamatayan ng isang manager matapos barilin ng dalawang beses sa ulo ng officer-in-charge ng isang security agency at security guard na rin ng kanilang subdivision matapos sitahin sa mga dala nitong cons­truction materials, kamakalawa sa Villa Felicia, Brgy. Baya­nan, Bacoor City, Cavite.

Dead-on-the-spot ang biktima mula sa 2 ba­lang bumaon sa ulo nito na kinilalang si alyas Ri­chard, residente ng Blk. 16 Lot 22 Kosmos St. Villa Felicia Subdivision, Brgy. Bayanan, Bacoor City. 

Tumakas naman ang suspek matapos ang pamamaril na kinilalang si alyas Rudy, 53-anyos, OIC/security Guard ng Star Matrix Security Agency na nakatalaga sa gate ng Villa Felicia Subdivision, at residente ng Brgy. Molino 2, Bacoor City, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-9:10 ng umaga nang maganap ang insidente, papasok na sana sa kanilang subdivision ang biktima sakay ng kotse nito na puting Mazda 323 Sedan na may plakang UMA 374 nang harangin at sitahin ng nasabing nakatalagang security guard sa gate hinggil sa mga dala nitong construction materials.

Nagkasagutan ang dalawa hanggang sa mauwi sa pagtatalo at mapikon ang suspek. Dito na binaril ng dalawang beses sa ulo ng guardya ang biktima ng naisyung baril nito na 9mm bago mabilis na tumakas.

Kasalukuyan nang tinutugis ng pulisya ang suspek.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with