^

Probinsiya

Lady fiscal itinumba, half brother timbog!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Lady fiscal itinumba, half brother timbog!
Sa inisyal na pahayag ni Lt. Col. Florante Retes, hepe ng Digos City Police Station, namatay sa loob mismo ng kanyang puting Ford Raptor pick-up truck ang 54-anyos na fiscal na si Eleanor Polancos Dela Peña na nakadestino sa bayan ng Malita sa Davao Occidental.

COTABATO CITY, Philippines — Napatay ang babaeng assistant provincial pro­secutor ng Davao Occidental matapos tambangan at pagbabarilin sa mataong lugar sa Barangay Aplaya sa Digos City nitong Lunes ng hapon.

Sa inisyal na pahayag ni Lt. Col. Florante Retes, hepe ng Digos City Police Station, namatay sa loob mismo ng kanyang puting Ford Raptor pick-up truck ang 54-anyos na fiscal na si Eleanor Polancos Dela Peña na nakadestino sa bayan ng Malita sa Davao Occidental.

Sa ulat ng Digos City Police, dakong alas-5:00 ng hapon habang minamaneho ni Dela Peña ang kanyang sasakyan pauwi na sa kanyang tahanan sa Tienda, Barangay Aplaya, Digos City, nang paputukan ng ilang beses ng isang lalaking nakaabang sa kanya at mabilis na tumakas gamit ang motorsiklong Honda Click.

Sa masusing imbestigasyon, natukoy ng pulisya ang gunman na mismong “half brother” ng biktima na kinilalang si Arnel dela Peña.

Ayon kay Retes, agad na naaresto sa hot pursuit operation ng mga pulis at city officials si Arnel malapit sa Brgy. Aplaya nitong Lunes ng gabi matapos na positibong itinuro ng mga testigo na siyang rumatrat sa kanyang half sister na piskal.

Dagdag ng opisyal, nakorner ng mga pulis si Arnel matapos ang ginawang pagtugis at nasamsam sa kanya ang helmet at hooded jacket na kanyang suot nang tambangan at patayin nito ang kinakapatid sa Brgy. Aplaya.

Nakumpiska rin sa suspek ang pulang Honda Click motorcycle na sinak­yan nito sa pagtakas sa crime scene.

Kinumpirma ng mga kamag-anak at mga kaibigan ng “magkapatid “ na may matagal nang alitan ang dalawa dahil sa pinag-aawayang parcel ng lupa na pag-aari ng kanilang pamilya sa Davao del Sur na sinisilip na motibo sa krimen.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with