Drug store ni-raid ng NBI sa Quezon Province
LUCENA CITY, Philippines — Dahil walang lisensya mula sa Food and Drug Administration (FDA), sinalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI)- Lucena ang isang tindahan ng gamot sa Brgy. Ibabang Dupay ng lungsod na ito kahapon.
Sa naturang raid ay naaresto ang suspek na si alyas Brandon sa pamamagitan ng isang search warrant at natagpuan sa loob ng inuupahan niyang bahay ang 564 na kahon ng iba’t ibang gamot na aabot sa mahigit P500,000 ang halaga.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 5711 (Food and Drug Administration Act of 2009) at Section 25 ng RA 5921 (An Act of Regulating the Practice of Pharmacy and Setting Standard of Pharmaceutical Education).
- Latest