^

Probinsiya

Ex-tserman todas, LGU official sugatan sa ambush

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Ex-tserman todas, LGU official sugatan sa ambush
Napuruhan at agad nasawi dahil sa mga tama ng punglo sa katawan ang biktima na itinago lamang sa pangalang Reyala Brubel, dating chairman ng Brgy. San Jose, Bombon at isang retiradong miyembro ng Philippine Army.
STAR/File

Tinambac, Camarines Sur, Philippines — Bulagta ang isang dating barangay captain habang sugatan ang kanyang kasamang hepe ng Public Safety Office ng bayan matapos tambangan ng hindi nakilalang mga suspek sa kahabaan ng highway ng Zone-7, Brgy. Bagacay, Tinambac, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Napuruhan at agad nasawi dahil sa mga tama ng punglo sa katawan ang biktima na itinago lamang sa pangalang Reyala Brubel, dating chairman ng Brgy. San Jose, Bombon at isang retiradong miyembro ng Philippine Army.

Sugatan at ginagamot naman sa isang ospital si Maja Ansel, hepe ng Tinambac Public Safety Office, at residente ng Calabanga, lahat ng lalawigang ito.

Sa ulat, pasado alas-5 ng hapon lulan ang dalawa ng puting Hyundai Accent na kotse na may plakang MP-6200 at binabagtas ang Tinambac-Calabanga Road patungo sanang bayan ng Calabanga nang pagdating sa nasabing lugar ay bigla na lang silang pinaulanan ng bala ng mga nakaabang na hindi kilalang grupo.

Bunsod nito,  nasapol ang dalawa ng mga bala at napuruhan si Brubel na agad nitong ikinasawi.

Mabilis namang rumesponde ang mga kasapi ng Tinambac Municipal Police Station pero hindi na inabutan ang tumakas na mga salarin.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang pagkaka­kilanlan ng mga salarin at motibo sa pamamas­lang.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with