^

Probinsiya

Police major nanlingkis, nanlamas, nampupog ng halik sa lady cop, sibak!

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Police major nanlingkis, nanlamas, nampupog ng halik sa lady cop, sibak!
Kinilala ang opisyal na si PMaj. Gerardo Navarro, nasa hustong gulang, may asawa, residente ng Baliwag, Bulacan at nakatalaga sa Plaridel Police Station sa Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.
STAR/File

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nasa “hot water” ang isang police major matapos na ireklamo ng isang patrolwoman na kanya umanong nilingkis, hinipuan at pinaghahalikan habang naka-duty sa loob ng Plaridel Police Station nitong nakaraang Hunyo 7, 2024.

Kinilala ang opisyal na si PMaj. Gerardo Navarro, nasa hustong gulang, may asawa, residente ng Baliwag, Bulacan at nakatalaga sa Plaridel Police Station sa Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.

Ang nagrereklamo ay nakilala namang si P/Pat. Maydee Sagum, 30-anyos, may-asawa, ng Paombong, Bulacan at nakatalaga bilang desk officer sa Women and Children Protection Desk (WCPD) sa nasabi ring istasyon.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang makaidlip ang biktima sa loob ng opisina ng WCPD nang bigla na lamang siyang gisingin ng nasabing opisyal at sabay yakap sa kanya nang mahigpit at pinaghahalikan sa leeg at labi.

Pilit na nagpupumiglas ang babaeng pulis subalit hindi huminto umano sa kanyang ginagawa ang opisyal at sa halip ay hinawakan pa nito ang kanyang dibdib.

Napilitang huminto sa kanyang ginagawa ang suspek nang mapansing umiiyak ang babaeng pulis at doon niya sinabayan ng alis sa nasabing opisina.

Matapos na mabatid ng mga kinauukulan ang insidente, agad na tinanggal sa puwesto ang police major at inilipat sa Provincial Headquarters sa Kampo Heneral Alejo Santos at ngayon ay nasa floating status.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ng pre-charge investigation ang Provincial Headquarters at oras na mapatunayan ang reklamo laban sa opis­yal ay mahaharap siya sa kasong paglabag sa RA 7877 ­(Anti-Sexual Harassment Law) at kasong administratibo.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with