^

Probinsiya

73-anyos resort owner, utas sa sinibak na empleyado!

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
73-anyos resort owner, utas sa sinibak na empleyado!
Ayon kay Lt. Reymond Matibag, Bauan Police chief investigator, ang wala nang buhay na biktima na kinilalang si Carmen Maranan, owner ng Maranan Resort na matatagpuan sa nasabing lugar ay nadiskubre ng kanyang anak na si Jenny habang duguang nakahandusay ang matanda sa sofa malapit sa kusina na may flower vase pa sa kanyang ulo nitong Lunes dakong alas-7:30 ng umaga.
STAR/File

Pinasok sa bahay, pinukpok ng vase

MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isang 73-anyos na babaeng may-ari ng resort matapos umanong pasukin ng kanyang dating empleyado na sinibak sa trabaho, sa loob ng kanyang tahanan na nasa compound ng resort sa Barangay Durungao, Bauan, Batangas nitong Lunes ng umaga.

Ayon kay Lt. Reymond Matibag, Bauan Police chief investigator, ang wala nang buhay na biktima na kinilalang si Carmen Maranan, owner ng Maranan Resort na matatagpuan sa nasabing lugar ay nadiskubre ng kanyang anak na si Jenny habang duguang nakahandusay ang matanda sa sofa malapit sa kusina na may flower vase pa sa kanyang ulo nitong Lunes dakong alas-7:30 ng umaga.

Sinabi ni Matibag na lumalabas sa imbestigasyon na pinasok ng salarin ang biktima habang nasa kasarapan ng tulog sa kanyang bahay na matatagpuan sa compound ng Maranan Resort, Linggo ng gabi.

Ani Matibag, isang alias “Lando”, dating empleyado sa naturang resort ang hinihinala nilang umatake at suspek sa pagpatay kay Maranan.

Lumalabas na may nakakita kay alyas Lan­do habang lumalabas sa Maranan Resort ng hatinggabi habang nakunan din siya ng CCTV camera na pumasok sa resort.

“We have an eyewitness also working in resort saw the suspect left from the resort at the midnight and one of the video footage of the close circuit television camera captured him while the suspect entered at the premises of the resort,” pahayag ni Matibag sa telepono.

Dagdag ng imbestigador, sinisilip nila na “lumang alitan” at “paghihiganti” ang posibleng mga motibo sa pagpatay sa nakatatandang Maranan.

Lumalabas na tinanggal ng negosyanteng biktima ang suspek sa kanyang trabaho sa resort, may dalawang buwan na ang nakalilipas.

Sa inisyal na pagsusuri ng awtoridad, ang pagkamatay ng biktima ay bunsod ng malakas na pagkakapukpok ng flower vase sa kanyang ulo habang natutulog sa couch.

Inihahanda na ang kasong murder laban kay alyas Lando na tinutugis na ng mga awtoridad.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with