^

Probinsiya

Lalaki galit sa magaganda: 3 babae sinapak!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Lalaki galit sa magaganda: 3 babae sinapak!
Sa report ng pulisya, Linggo nang unang mambiktima ang suspek na hindi pa tinukoy ang pangalan, ng isang 33-anyos na babae na naglalakad sa Barangay Cogon Ramos dakong alas-6:30 ng gabi. Bigla na lang siniko ng suspek sa kaliwang mata ang biktima.
Tumisu from Pixabay

MANILA, Philippines — Nabugbog sa magkahiwalay na insidente ang tatlong babae matapos na sikuhin at pagsusuntukin ng kanilang nakasalubong na lalaki na galit umano sa mga magaganda sa Cebu City.

Sa report ng pulisya, Linggo nang unang mambiktima ang suspek na hindi pa tinukoy ang pangalan, ng isang 33-anyos na babae na naglalakad sa Barangay Cogon Ramos dakong alas-6:30 ng gabi. Bigla na lang siniko ng suspek sa kaliwang mata ang biktima.

Sinundan naman ito ng pambibiktima sa isang 20-anyos na babae sa Osmeña Blvd. na sinapak ng suspek sa ilong habang ang ikatlong biktima na 22-anyos na babae ay sinuntok din ng suspek sa kaliwang mata.

Ayon sa pulisya, dahilan umano ng suspek sa pananakit ay ayaw nito sa mga magagandang babae dahil umano sa pagiging “fake.”

Bukod sa mga pasa at sugat, nagkaroon ng trauma ang mga biktima dahil sa ginawa sa kanila ng lalaki na inaresto at nakakulong na.

Nahaharap sa kasong multiple serious physical injuries ang suspek.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with