May hiyas pa sa liblib (29)
LALAKI si Fred at hindi pa naman matanda para hindi kasabikan ang may kinalaman sa “anak ni Eba”. Kaya nang madiskubre na mayroon palang babaing tiwalang-tiwala na naliligo sa sapa ay hindi na siya mapakali. Alam ni Fred na babalik ang babae sa sapa para maligo.
Tinapos ni Fred ang pag-araro sa tataniman niya ng monggo. Nagsimula siya ng alas-sais ng umaga at eksaktong alas-diyes ay tapos. Mataas na ang araw at masakit na sa balat kaya kailangang magpahinga na.
Nagmamadali siyang nagtungo sa sapa. Malakas ang kutob niyang naroon na naman ang babae at naliligo.
Marahan siyang namay-bay sa madamong bahagi ng sapa. Hindi niya susundin ang sinabi ng pinsang si Raul na alisin ang mga damo sa pampang ng sapa. Kapag inalis niya ang mga iyon, para na rin niyang inalis ang kanyang libangan — ang mamboso.
Malayo pa sa lugar na pinagliliguan ng babae ay may narinig nang kulabsaw si Fred. Nakiramdam siya. Baka naman hindi ang babae ang naroon at kung sinong nanghuhuli ng isda at hipon. Pero wala siyang alam na taong pupunta roon para lamang manghuli ng maiuulam. Sa loob ng anim na buwan niyang pagtira sa Luningning ay wala siyang nakitang ibang tao. Sa pagkaalam niya ang pinakamalapit na bahay ay may isang kilometro o mahigit pa ang layo sa kanyang bahay.
Marahan ang ginawang paglakad ni Fred sa damuhan. Pantay-tao ang mga damo. Kailangang hindi siya makagawa ng ingay at baka makaramdam ang naliligo.
Hanggang sa marating ni Fred ang eksaktong lugar na pinagliliguan ng babae. Dumako siya sa may pampang. Sumilip sa pagitan ng mga damo.
At namangha siya sa nakita. Ang babae na nakita niya noon. Naliligo na naman. Pero kakaiba sa nasaksihan niya noon. Ngayon ay hubo’t hubad ang babae habang tiwalang-tiwalang naliligo sa ilog.
Inayos ni Fred ang puwesto. Gusto niya walang masa-yang na sandali sa panonood sa babae. Kung maaari ay hind na siya kukurap.
Lumangoy ang babae sa malalim na bahagi ng sapa. Ang kahubaran ng babae ay malinaw na makikita sapagkat kristal na kristal ang tubig. Bawat galaw ng babae sa paglangoy sa ilalim ay nasusundan ni Fred. Lalong mas kaakit-akit ang babae habang lumalangoy. Perpektong-perpekto ang kurbada ng katawan. Diyosa ng kagandahan ang babae.
Matagal na naglunoy ang babae. Hanggang sa maisipan nang sabunin ang katawan. Nagsabon nang todo at ang bula ng sabon ay halos tumakip sa katawan.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending



















