^

True Confessions

La Viuda (51)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ANDRES... maayos ka lang ba, anak?” nanginginig na tanong ni Aling Pacing habang nakahawak sa braso nito.

Lumingon si Andres. Nang magsalita siya, napasinghap sina Kristina at Aling Pacing sa matinding labis na gulat. Ang boses na lumabas sa kanyang bibig ay hindi ang mahinahong boses ni Andres, kundi isang malalim, garalgal na boses na tila nagmumula sa kailaliman ng lupa.

“Kailangan kong bumalik sa hacienda,” matipid na sagot nito.

“Bakit ka babalik? Andres, ano bang nangyayari sa’yo?!” umiiyak na hila ni Kristina sa kanyang kamay.

“Nakaligtas na tayo! Huwag kang babalik doon!” dagdag na pakiusap ni Aling Pacing.

Pilit na hinawakan nina Kristina at Aling Pacing ang mga braso ni Andres upang pigilan ito, ngunit sa isang marahas at napakalakas na tulak lamang ng kanyang braso, napaupo ang dalawa sa kalsada.

“Bitawan n’yo ako!”

Tila nagkaroon si Andres ng lakas na hindi pangkaraniwang tao. Hindi na siya lumingon pa; dahan-dahan at pormal siyang naglakad pabalik sa direksiyon kung saan matatagpuan ang hacienda.

Samantala, sa mansiyon ng mga Valderrama, hindi mapakali si Ernesto. Dahil sa matinding tensyon at gulo ng nagdaang mga oras, lumabas siya sa balkonahe ng ikalawang palapag upang magpalipas ng gabi at magsigarilyo.

Habang humihithit sa gitna ng kadiliman, napatingin si Ernesto sa labas malapit sa bakal na gate ng mansiyon.

Bahagyang nabilaukan si Ernesto sa usok at halos mabi­tawan ang hawak na sigarilyo.

Sa ilalim ng liwanag ng buwan­, nakikita niya ang isang matangkad na anino. Naglalakad ito nang may kumpiyansa, matuwid ang tindig, at walang alinla­ngang pumasok sa nakabukas na gate ng mansiyon.

Si Andres. Kusang lumalakad pabalik sa impiyerno. (Itutuloy)

ANDRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with