^

True Confessions

Ako ay makasalanan (91)

- Ronnie M. Halos -

NATAPOS ang isa na namang ritwal namin ni Mr. Dy at katulad ng dati, binigyan ako ng pera. Walang kamalay-malay na nakuhanan ko na ang clutch bag.

“Ang dami naman nito, pero sabagay ma­ rami pa akong bibilhin,” sabi ko habang nagbi­bihis.

“Sige lang, bilhin mo lang ang gusto mo pero huwag kang ti­tingin sa iba ha. Seloso ako. Ang akin e akin lang.”

Natigilan ako. Pero saglit lang at agad kong nilambutsing.

“Ikaw lang at wala nang iba, promise.”

“Good!”

Pagkabihis ay humak­bang na palabas. Su­munod ako kahit may kabang naramdaman. Tumigil sa salas at dinampot sa ibabaw ng mesita ang clutch bag. Pagkatapos ay humak­bang na hindi na inusisa ang laman. Tuluy-tuloy na lumabas at hindi na ako nilingon pa para magpaalam.

Okey lang sa akin kung hindi siya mag­paalam. Wala akong paki. Ang mahalaga, ma­rami akong pera. Isinara ko ang pinto. Nagbalik ako sa kuwarto at binuk­san ang cabinet ng damit na pinagtaguan ko sa bundle ng pera. Hinanap ko sa pagitan ng damit. Nakuha ko. Tinimbang-timbang. Hindi ko alam kung magkano pero sapat ang dinulot sa aking kasiyahan. Pu­wede na kaming umalis ni Mon at magsarili. Maski yayain ko na siya sa sinasabi niyang Sab­layan. Malaki nang pu­hunan ang perang ito. Hindi na siguro kami masusundan ni Mr. Dy doon. Hindi ko alam kung saan ang Sablayan pero sa himig ng salita ni Mon ay malayo. Siguro ay tawid-dagat.

Isinauli ko sa pagitan ng mga damit ang pera. Ipinailalim ko pa para walang makakita. Saka ko na lang ilalagay sa bag kapag pumayag na si Mon na aalis na kami.

Eksaktong isinasara ko ang cabinet ay naka­rinig ako ng katok sa pinto. Sunud-sunod. Ki­nabahan ako. Baka bumalik si Mr. Dy! Baka natuklasan na kulang ng isang bundle ang pera niya sa clutch bag! Agad kong kinuha uli ang pera sa cabinet at inilagay sa aking handbag. Nagpantalon ako at t-shirt. Kung si Mr. Dy ang kumakatok at hahanapin sa akin ang pera, tatakas ako. Tatakbo ako. Walang puknat. Hindi ko ibi­bigay ang pera!

Hinigpitan ko ang hawak sa bag habang palapit sa pinto.

(Itutuloy)

AKO

EKSAKTONG

HINANAP

HINIGPITAN

LANG

MR. DY

PERA

SHY

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with